Isang Mahalagang Aral tungkol sa Self- Esteem na Napulot ko sa Parlor

April 18, 2012

Nung sinamahan ko magpagupit ang nanay ko nung Linggo, yung may-ari ng Bench Fix branch na pinuntahan namin eh andun din at nagpapahighlights.

Syempre todo kalinga ng staff niya, ano. At dahil hindi ko namana ang pagiging ma-PR ng nanay ko, yung nanay ko nalang ang kumausap sa ma-PR din na may-ari ng branch. Sila lang nag-uusap, magkawavelength ba.

Wala akong ibang napansin kay ate kundi ang confidence niya sa sarili. Hindi mayabang ha, as in confident siya in the best sense of the word.

Malaking babae si ate, doble ko, o one-and-a-half. At malaki din ako ha.

Dito kasi sa atin, pag mataba ka, walang maganda sayo. O kaya naman, pag mataba ka, walang mapapansin sayo kungdi ang pagiging malaki mo.

Laging panglalait at pangaalipusta lang ang madalas madinig kapag may matabang tao. Actually mas malala pa nga ‘pag kamag-anak mo yung pumapansin kasi wala ka naman magagawa kundi ngumiti. Kaya yung self-esteem ng mga taong yun (sama mo na ako dun) eh nasa ilalim ng talampakan nila. Higit pa lalo ang self-esteem issues pag babae.

Sa lipunan natin na ang nakagawiang depinisyon ng maganda ay ang mga balingkinitan kesa sa mga full, na mas nakaw-tingin pag 36-24-66 kesa 38-32-40, at mas katanggap- tanggap ang mga bitchesang sexy kesa authoritative na full-figured (kasi yung huli mas nababansagang mataray samantalang yung isa eh “hot”), alam mo na may mali. Kasi may comparison. May diperensya. Eh pare-pareho namang babae.

Ganun din naman sa mga lalaki. ‘Di ba mas nagkakandarapa ang mga babae sa mga may 6-pack abs kesa sa may ab lang? Mas may dating pag ang description niya sa sarili niya ay athletic kesa foodie? Kaso wala naman masyadong issue ang mga babae sa hugis ng mga lalaki nila sa buhay. Pag timbang, laki, at hugis ang usapan, laging babae ang napapagtripan pagusapan. Ng lalaki at maging kapwa babae.

Wala lang ako masabi sa ngayon kung hindi: BUUUHKEEEHTTTT?!

Actually, objectification ito ng kababaihan, kung titingnan mo sa ibang anggulo. Pero ang gusto kong ipahiwatig dito sa munting lathalang ito eh kung papaano matahin ng lipunan ang mga matataba at kung paano naaapektuhan ng panghuhusga ang mga taong ito.

Pero tingin ko rin, sa usapang naganap sa pagitan ng nanay at ni ate plus yung staff niya sa salon, groundbreaking si ate na may-ari ng salon at talagang nasabi ko sa sarili ‘kong baka ako lang din ang may problema. Na baka wala akong lakas ng loob para maging kasing confident niya. Na hindi siya apektado ng kung ano man ang sabihin ng iba sa kanya.

Nung umupo na kasi ako sa upuan para magpa-foot spa, at sinabi ng nanay ko na ako daw ang panganay niya, sabi niya na ang ganda ko daw blah blah. Pwedeng PR chenes lang yun ni ate dahil nga siya may-ari nung salon so ngumiti nalang ako pero hiniritan niya rin kasi na: “walang matabang panget, puro tayo magaganda!”

So bukod sa pagiging ma-PR niya, talagang hindi siya apektado ng hugis ng katawan niya. Totoo namang maganda si ate eh, kung mapapadpad kayo sa salon niya isang beses malalaman niyong attractive talaga siya.

Pero dahil andito tayo sa bansa, mas mauuna yung lait bago i-assess yung ganda at karisma niya.

Wala eh. Kahit matalino, charming, at witty ang babae, pag hindi siya coke-bottle o stick-thin eh bawas ganda-points para sa kanya yun. Hindi rin nakakatulong yung pangri-ridicule ng local media sa matatabang babae. Hindi ba comic relief sa TV ang mga matatabang babae? Parang ganun din sa mga bakla, nagiging comic relief nalang.

Anyway, mabalik tayo kay ate sa salon.

So patuloy lang sila nagchikahan ng nanay hanggang nagkatapusan lahat ng gupitan-action, all the while nadidinig ko ang mga banat ng staff niya tungkol sa pagiging malaki nito at talagang walang reaksyon siya dito kungdi matinding mga hirit na talaga namang mapapahanga ka. Idol.

Pero siguro para malabanan yung ganitong ridicule sa matatabang babae eh dapat magstand up din sila, kami. Susubukan ko maging mas confident pero hindi yung mukhang masagwa namang tingnan. Si ate kasi talagang keri niya ang pagiging confident niya at walang mag-aalangan sa lakas ng appeal niya. Kaya din siguro breakthrough si ate, kaya niyang dalhin ang sarili niya, literally and figuratively.

Sobrang konti lang ng nakakasalamuha kong ganun. Naa-amaze ako sa kanya. At masasabi kong isa siyang malakas na tao para hindi magpaapekto sa sinasabi ng lipunan sa mga katulad namin. Minsan kasi kahit gaano ka-fit ng isang babae, kung malaki talaga ang mga buto niya, talagang hindi siya magiging payat sa paningin ng mga tao.

Madami ba akong feelings tungkol sa ganito isyu? Oo, sa loob ng 21 taong pamumuhay ko sa mundo natin, sobrang konti lang ang mga taong hindi tumingin sakin at sa hugis ko ng mapangmata at mapanghusga. Nagpapasalamat ako sa mga taong nakilala kong hindi tiningnan ang timbang at hugis ko kundi kung ano ang laman ng utak ko.

Eto ang tatak talaga sakin na sinabi niya nung umalis sila para mag-yosi sa baba matapos sabihan siya ng medyo pabalang ng isa niyang staff:

“Paanong mapintasan? Eh wala namang kapintas-pintas sa itsura ko.”

YOU GO GIRL!

*all gif images are from Tumblr and their respective owners. No Copyright Infringement of any kind is intended.

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s